Liza Soberano, na-starstruck sa ganda ni Kapuso actress Janine Gutierrez

Isa sa maituturing na prized talents ng Kapuso network ang anak na babae ni Lotlot de Leon na si Janine Gutierrez.
Bukod sa angking ganda, higit na napapansin ng maraming televiewers ang galing sa pag-arte ng Kapuso leading lady lalo na sa kaniyang latest soap na Legally Blind.
At isa sa mga humahanga kay Janine ang Kapamilya talent na si Liza Soberano.

Nag-react kasi ang aktres sa photo ng Kapuso star na inupload ni @ ethandavid_ sa Instagram.

Sobra ring natuwa si Janine sa papuring natanggap mula kay Liza.

 

Heart Evangelista tumanaw ng utang na loob sa home network para sa suporta nito sa kaniyang career

Mga Kapuso, humanda na kayong kiligin kina Heart Evangelista at K-POP idol Alexander Lee, dahil sa August 21 mapapanood ninyo na sila sa primetime show na My Korean Jagiya.
Kahapon, August 14, ginanap sa KPub BBQ, Trinoma ang successful grand presscon ng romcom series.
Hindi naiwasan maging emosyonal at tumanaw ng utang na loob ang tinaguriang Philippine TV sweetheart na si Heart Evangelista sa tiwala na pinagkaloob ng GMA-7 sa kaniya na maging bida sa malaking project na ito.

FIND OUT: Sino ang mga makakasama nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa kanilang MMFF movie?

Last week, inanunsiyo ni Dawn Zulueta sa kanyang Instagram account na magkakaroon sila ng reunion project ni Vic Sotto at magiging entry pa ito sa 2017 Metro Manila Film Festival.
Noong Lunes, August 14, nag-post naman ang Alyas Robin Hood star na si Andrea Torres sa kanyang Instagram account na kasama siya sa naturang pelikula.

“New blessing,” aniya sa caption.
Kung pagbabasehan ang larawan, ang pamagat ng kanilang MMFF entry ay ‘Meant To Beh’ at si Chris Martinez ang magiging direktor nito. Bukod kay Andrea, nasa cast din sina Bae-by Baste, Gabbi Garcia, JC Santos at Daniel Matsunaga.
UNOFFICIAL:Makakasama si Ruru Madrid sa pelikula ito.

GMA Network nakahanda na sa pagbabalik ni Kylie Padilla

Nabanggit ni Ms. Rasonable na nakahanda na sila sa pagbabalik ni Kylie Padilla sa trabaho kung sakaling gusto na nito.
Kasisilang pa lang ni Kylie ng anak nila ng fiancé niyang si Aljur Abrenica.
Saad niya, “Actually, gusto namin siyang i-casting, e.
“Pero hindi siya puwede kasi kapapanganak lang, mag-aalaga pa ng baby.
“Naintindihan naman natin yun.
“Pero sa totoo lang, itong mga darating na soaps, gusto na namin siyang i-cast.
“So, talagang inaabangan namin siya.”

Maine Mendoza, humingi ng paumanhin sa mga taong hindi nakapasok sa fast food resto opening

Dumagsa ang mga tao sa formal opening ng McDonald’s franchise ni Maine sa Barangay Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan nitong August 11.
Bigatin din ang naging guest ng Eat Bulaga superstar dahil ang McDonald’s Philippines President at CEO na si Kenneth S. Yang ang isa mga panauhin niya.
Hindi nakalimutan ni Maine na magpasalamat sa mainit na suporta sa kaniyang business venture.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga tao na hindi niya nagawang ma-accommodate dahil sa dami nang pumunta.
Heto ang buong pahayag ng AlDub actress sa Facebook:
This weekend was a blast not just for me but for the entire family! We just opened McDonald’s Sta. Clara and from the…

Posted by Maine Mendoza on Sunday, 13 August 2017

Congratulations and more power, Kapuso Maine!

Marian Rivera flaunts 19-inch waistline in two-piece swimsuit

Marian Rivera, Dingdong Dantes, and Baby Zia, recently made a quick getaway to Siargao Island.

It was actually to celebrate the birthdays of Mommy Yan, who will turn 32 on August 12, and Daddy Dong, who celebrated his 37th last August 2.


And what’s a beach trip without swimsuit shots?

Clad in her Zimmermann Mercer bikini, Dingdong served as the Kapuso actress’ photographer.

Thanks to breastfeeding, the hot momma easily shed off the post-pregnancy bulges.

During her recent interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Marian happily told the press that she was able to get back her 2014 “best body.”

When asked about her waistline, the celebrity mom said, “Bumalik na yata, nineteen.

“Kasi isang dangkal ko na lang, e.”

Marian however emphasized that having another baby is more important than the measurement of her “bewang.”

She said, “Darating tayo sa pagkakataong magma-mature tayo, tatanda tayo. Yun ang buhay, e.

“Hindi ako takot. Ba’t ako matatakot kung bibigyan ako ng marami pang anak? Okay lang ‘yan.

“‘Tsaka nakita naman nila ako nung bagets ako, wala silang masasabi [nung] bagets ako.”

In 2015, the year she got pregnant, Marian gained extra 20 pounds and had a 24-inch waistline.

In March 2016, fours months after she became a mommy, her weight was reduced to 97 pounds.

With the help of breastfeeding and “healthy living,”  Marian was able to maintain her body goal.

This was Marian in 2014, the one she considers her “best body.”


LOOK: Diana Zubiri, balik Bubble Gang na?

Isang former sexy Kababol ang muling mapapanood sa number one gag show ng bansa na Bubble Gang.
Ni-reveal ng isa sa mga mainstay na si Arny Ross na mag-guest ang Encantadia actress na si Diana Zubiri sa award-winning Kapuso program.
Matatandaan na naging regular si Diana sa Bubble Gang mula 2003-2009.

Sa anong comedy skit o segment ninyo gusto mapanood si Diana Zubiri sa Bubble Gang?