Victor Magtanggol magkakaroon ng taping sa ibang bansa

Victor Magtanggol sa abroad naman ang taping!

Nauna nang bumiyahe palabas ng bansa si Alden Richards para mag-taping ng ilang mahahalagang eksena ng action serye niyang Victor Magtanggol.

Nitong Lunes, isa pang cast member ang sumunod kay Alden dahil sila ang magkakaeksena. Ang balita namin, pati si Coney Reyes ay makakasama ni Alden sa taping abroad.

Nine to 10 days ang shoot nina Alden sa ibang bansa, kung saan may malaking partisipasyon ang snow. Kapag umere na ang Victor Magtanggol, malalaman na kung bakit may mga eksenang kailangang kuhanan sa ibang bansa.

Samantala, bukod kina Coney, Yuan “Pao Pao” Francisco, Pancho Magno at John Estrada, kasama rin sa cast ng Victor Magtanggol sina Al Tantay, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Kristoffer Martin, Lucho Ayala, Benjie Paras, at Freddie Webb. May special participation, pero matagal pa bago lumabas ang mga karakter nina Christian Bautista, Sheena Halili, at Michelle Dee.

Mapapanood ding muli sa telebisyon si Conan Stevens, ang aktor sa Game of Thrones na una nang napanood sa Encantadia ng GMA-7.

-Nitz Miralles

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s