#GandaNaGalingPa: Bianca Umali,Kyline Alcantara and Pauline Mendoza

Pinag-uusapan mapa-social media man,sa tahanan at sa buong bayan ang hit kapuso seryeng Kambal,Karibal. Hanga ang mga manonood sa husay ng mga artistang nagsisipagganap dito. Lalong-lalo na ang tatlong Kapuso young stars na pangunahing bida rin sa serye. ‘Yan ay sina Bianca Umali na gumaganap bilang Crisan,Pauline Mendoza na gumaganap bilang Crisel at si Kyline Alcantara na gumaganap naman bilang si Cheska.

Marami ang humahanga sa galing ng tatlong ‘to sa husay nilang umarte. Bukod kasi dito ay mga good-looking rin sila,napakatalented din ng mga batang ito!

Dahil sa naging hit at mataas ang ratings ng Kambal,Karibal, mas sumikat at mas nakilala sina Bianca,Pauline at Kyline. Sa katunayan ay natalo ng Kambal,Karibal sa ratings ang La Luna Sangre ng KathNiel Loveteam dahilan para magpaalam agad ito sa ere. At ngayon, ang bagong katapat naman nitong programa na Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil ang pinatataob nila! Kaya naman ilang beses ng naextend ang Kambal,Karibal,at ngayon hanggang August pa sila mage-air! Patunay lamang na hindi pasikatan ang Labanan, kapag maganda ang story at magagaling umarte ang mga artista, mamahalin ito ng masa!

Sabay sa paglipad pataas ng Kambal,Karibal ,patuloy din ang paglipad ng career nina Bianca,Pauline at Kyline. Tatlo sila sa pinakahinahangaang young stars ngayon sa bansa!

Bianca Umali,bukod sa maganda ay hinahangaan din s’ya sa galing n’ya sa pag-arte,may ibubuga rin s’ya sa pagsayaw. Hataw kung hataw! Kaya kahit sa social media, kitang-kita ang kasikatan n’ya!

Ang Kambal,Karibal naman ang biggest break ni Pauline Mendoza. Dito s’ya mas nakilala dahil sa husay n’yang umarte at pagganap bilang si Crisel. Ang Kambal na Karibal ni Crisan. Sinabi ni Pauline na hindi na n’ya kinailangan pang mag-audition sa role dahil malaki ang pagkakahawig n’ya Kay Bianca Umali.

Hindi na maitatago ang kasikatang natatamasa ngayon ni Kyline Alcantara. Kahit saang events s’ya magpunta ay talagang pinagkakaguluhan s’ya. Galing s’ya sa Kapamilya network, nag-audition s’ya sa Kambal,Karibal. At dito ay mas napansin at nakilala s’ya. Magkakaroon na s’ya ngayon ng sarili n’yang album under GMA Records at possible pang magka-concert soon!

Advertisements

One thought on “#GandaNaGalingPa: Bianca Umali,Kyline Alcantara and Pauline Mendoza

  1. yes, Pauline Mendoza as crisel or multo in kambal karbial is doing good in acting, pretty face, good in dancing and singing. Probably, Pauline Mendoza wil be the fast rising star and hottest star in gma or kapuso star in 2018. Kambal Karibal is a good story, natural science fiction story. go, Pauline Mendoza.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s