Magpakailanman presents “The Kyline Alcantara” story

Ngayong darating na Sabado tunghayan ang kuwento ng Kambal, Karibal star na si Kyline Alcantara na binansagang “La Nueva Kontrabida” sa showbiz. Sa murang edad na apat na taon ay gusto na nyang umarte sa harap ng kamera.

‘Di man naging madali ang simula para kay Kyline, maraming pagsubok ang dumating sa kanya lalo na noong maghiwalay ang kanyang mga magulang. Pero di ito naging balakid sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging artista, dahil mula Bicol papuntang Maynila, sumasakay silang mag-ina sa truck ng gulay para makapag audition lang.

Nagkaroon ng financial problem ang kanilang pamilya, kaya’t naisip ni Kyline na tumulong. Maraming beses mang ‘di natatanggap sa mga TV auditions at commercial noong una, ay ‘di sya sumuko at nawalan nang loob para ipagpatuloy ang kanyang pangarap. Nagsimulang maging extra sa mga teleserye, pero noong naglaon ay ipinakita nya ang kanyang husay sa pag arte noong mabigyan na sya ng break sa showbiz.

Bukod pa rito, dahil rin sa hilig at husay nya sa pagkanta, sa murang edad na 12 years old ay gumagawa na sya ng mga videos na laging nag viviral. Ang kanyang video na “Perfect” ay umani ng 1.8 Million views sa YouTube. Hanggang sa dumami na ang followers at fans ni Kyline.

Pagkaraan ng sampung taon ay nagkabalikan muli ang parents ni Kyline at muling nabuo ang kanilang pamilya.

Ang “Kyline Alcantara Story” ay pinagungunahan ni Kyline as herself, Tina Paner as Rowena, Jay Manalo as Butch, Paolo Gumabao as Kent, Karlo Duterte as Roan, Eliza Pineda as Hannah, Caprice Cayetano as young Kyline, Bruce Roeland aa young Kent, at Bryce Eusebio as young Roan.

Ang “The Kyline Alcantara Story“ ay idinirehe ni Rechie Del Carmen, sa malikhaing panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Gelox Launo.

Ngayon Sabado na , May 6, 2018 pagkatapos ng Pepito Manaloto.

GMA Network

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s