Ano ang dahilan bakit lumipat sa Kapuso Network si John Estrada?

Pumirma ng kontrata ang hunk actor na si John Estrada sa GMA Network ngayong araw, May 2. Aniya, “I feel so welcomed. Maganda ang pag-welcome sa akin so I’m excited.”

Present sa contract signing sina GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable, VP for Drama Redgie Magno, AVP for Drama Cheryl Ching-Sy, at Program Manager Nini Matilac.

Ibinahagi ng 44-year-old actor ang tunay na dahilan ng kanyang paglipat ng istasyon. Saad niya, “It’s a fact naman na men love challenges. As you mature, siyempre madami kang gustong patunayan sa sarili mo. At sa GMA, medyo maganda talaga [and] interesting ‘yung content. At of course, bagay sa’kin ‘yung versatility na ino-offer nila.”

Inamin ni John na gusto niyang makatrabaho ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at maging ang ilang Kapuso artists. “I’m a good friend of Dingdong and Marian. It’s dream for me to work [with them] and marami pang Kapuso talents na napapanood ko, maraming magagaling na artista dito.”

Looking forward na rin siyang makatrabaho ang kanyang anak na si Inah, pero nilinaw niya na una muna siyang mapapanood sa isang big project ng GMA ngayong taon.

“Looking forward na makatrabaho si Inah. May mga talks naman ako with the management, but itong first project, dito talaga ko sobrang excited. Napakaganda. If I’m not mistaken, this is the biggest project of GMA this year. Pagpasensyahan niyo na ko, ‘yung revelation nito dapat perfect timing kasi malaking-malaking proyekto. I just wanna say na it’s worth the wait,” bahagi niya.

Bago pa man siya sasabak sa proyektong ito, napanood na siya noong nakaraang Sabado, April 28, sa Celebrity Bluff bilang Master Bluffer. Isa rin siya sa mga judge sa grand finals ng ‘Wil to Win.’

Kuwento niya, “Honestly, I was telling Ma’am Redgie Magno na matagal ko nang pinapanood ang [Wowowin] at saka kay Uge, talagang sinabi ko na fan talaga ko ng Celebrity Bluff, walang bola ‘yun. I’m so happy na at last, nag-guest na ko dun. I was there siyempre kinakabahan at excited tapos sa Wowowin. Hindi naman ako makaka-hindi kay Willie. I am one of the judges in Wil to Win grand finals.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s