From Kapuso Lead Actress to Kapamilya Supporting Actress

Ilan sa mga leading ladies ng GMA Network ang tuluyan ng nag-say goodbye sa Kapuso Network.Apat sa kanila ay sina Iza Calzado,Karylle,Maxine Magalona at Bianca King.Ngunit simula ng lumipat sila sa bakuran ng ABS-CBN ay supporting role na lang halos ang binibigay sa kanila minsan pa mga ay natetengga!

IZA CALZADO

Si Iza Calzado ay isa sa mga maningning na aktres ng GMA noon.Ilang teleserye rin sa Kapuso Network ang kanyang napagbidahan at halos lahat ng role n’ya dito ay sumikat at tumatak sa mga manonood.Mas lalo pang sumikat si Iza ng mapabilang s’ya sa hit telefantasya ng GMA na Encantadia noong 2005 bilang si Sang’gre Amihan na ginampanan naman ni Kylie Padilla sa Encantdia 2016.Bumida rin siya sa Impostora kasama si Sunshine Dizon na pumatok din sa mga manonood,All About Eve,at marami pang tumatak na teleserye sa Kapuso Network.

Nang maging isa siyang Kapamilya halos lahat ng role na nabibigay sa kanya ay supporting role lang.At ngayon ay wala pa s’yang project soon[ABS-CBN].

MAXINE MAGALONA

Unang sumikat si Maxine sa GMA Network bago siya mawalan ng kinang.Marami ring pinagbidahang teleserye si Maxine sa GMA at halos lahat ay lead role.Ilan sa mga lead-role teleserye niya sa GMA ay ang Faithfully,My Lover,My Wife,Kamandag at marami pang high-rating teleserye.Nung lumipat sya Sa ABS-CBN ay parang wala pa siyang nagagawang lead role teleserye.If I’m not mistaken.

KARYLLE

Unang nakilala sa GMA Network si Karylle sa Hit telefantasya na Encantadia noong 2005 bilang si Sang’gre Alena na ginagampanan naman ni Gabbi Garcia sa Encantadia 2016.Marami rin silang pinagbidahang teleserye noon kasama si Ding Dong Dantes na noon ay kanyang kaloveteam.Ngunit ngayon ay napapanood lamang s’ya bilang co-host sa It’s Showtime at bihira ng maipamalas ang galing niya sa pag-arte dahil hindi naman siya binibigyan ng telesrye ng ABS-CBN.

BIANCA KING

Former Kapuso Leading lady na lumipat sa TV 5 at ngayon ay isa ng Kapamilya.Bumida sa maraming Kapuso teleserye si Bianca at ilan dito ay Sinner or Saint kasama ang kanyang ex boyfriend na si Dennis Trillo na ngayon ay patuloy na gumaganda ang career sa bakuran ng GMA,Luna Blanca ika-3 Yugto kasama si Heart Evangelista na tuloy-tuloy ang mga projects na ginagawa sa GMA na gumanap pa bilang Alwina sa Mulawin Versus Ravena kung saan dati rin s’yang(Bianca King) kasama bilang Aviona,bukod d’yan ay bumida rin siya sa mga pelikulang Kapuso(Sosy Problems).

Ang huli nyang project sa ABS-CBN ay ang Pusong Ligaw pinataob ng Dalawang Kapuso series na Legally Blind at Impostora.

Imaginin natin mga Kapuso kung hindi sila lumipat,siguro ay MAS matayog na ang takbo ng kanilang showbiz career ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s