Walang lipatam na magaganap,Kristoffer Martin Kapuso pa rin!

Mananatiling Kapuso si Kristoffer Martin. Ayon sa aktor, ang cryptic post niya noon ay patungkol sa reunion nila ng mga kasamahan niya dati sa Little Big Superstar. 

Sa wakas ay binigyang-linaw na ni Kristoffer Martin ang kumakalat na balitang aalis na raw siya sa kanyang home network na GMA-7.
Sa tweet niya noong Miyerkules, August 2, sinabi ni Kristoffer: “Guys walang magaganap na lipatan. Chill ebribadiii. Haha. Reunion lang yon.”
Guys walang magaganap na lipatan. Chill ebribadiii. Haha. Reunion lang yon. ????????
— Kristoffer Martin (@flinsTUNs) August 2, 2017

Ang tinutukoy lang daw niya sa kanyang magkasunod na cryptic posts noong July 12 ay ang reunion nila ng mga kasamahan sa kauna-unahang show niya sa telebisyon, ang Little Big Superstar ng ABS-CBN.
Ang Little Big Superstar ay ang dating singing contest sa ABS-CBN, kung saan si Sarah Geronimo ang host.
Sabi pa ni Kristoffer sa caption: “Finally! Natuloy din! It’s been 10 years bago ko ulit sila nakita. Ang mga taong unang nagbukas ng pinto sakin sa industriyang to. Mga taong unang naniwala sa talento ko. Namiss ko kayooo! #LittleBigSuperStar.”
Finally! Natuloy din! It’s been 10 years bago ko ulit sila nakita. Ang mga taong unang nagbukas ng pinto sakin sa industriyang to. Mga taong unang naniwala sa talento ko. Namiss ko kayooo! #LittleBigSuperStar

A post shared by Kristoffer Martin Dangculos (@kristoffermartin_) on Aug 1, 2017 at 5:52am PDT

Noong July 12, nag-tweet si Kristoffer kung saan sinabi nitong pinag-iisipan na niya ang kanyang next option kung sakaling wala pa ring mangyayari sa career niya ngayong taon.
Nasasayang lang daw kasi ang oras, talent, at panahon sa paghihintay ng proyekto.
Sa ngayon, magiging bahagi si Kristoffer sa bagong primetime series ni Marian Rivera na Super Ma’am.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s