Tuloy pa rin ang pagpapakilig ng GabRu loveteam!

Ikinatuwa nga ba ni Ruru Madrid na kasama siya sa Alyas Robin Hood 2 kung saan kasama rin sa cast si Solenn Heussaff?

Noon at hanggang ngayon ay vocal si Ruru sa pagsasabing malaki ang paghanga niya kay Solenn.

“Si Solenn naman po… okey lang, okey lang. Maganda, maganda siya,” at tumawa si Ruru na tila kinikilig.

Nabawasan ba ang pagnanasa niya kay Solenn dahil may asawa na ito, ang Argentian businessman-model na si Nico Bolzico?

“Hindi, yung pagnanasa naman… sobrang crush ko siya. I mean kahit hindi pa po ako artista sobrang crush ko na siya.

“And si Sos kasi sobrang kaibigan ko, e. Parang lalaki ring magsalita, ‘di ba?” at muling tumawa si Ruru. “Masaya naman, masayang kausap si Solenn.”

Nakausap namin si Ruru sa YES! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars event sa Luxent Hotel sa Quezon City, Martes ng gabi, July 11.

 

GABRU NO MORE. At iyon na nga, tila ibi-build up na si Ruru as a solo action star ng GMA at mahihiwalay na sa love team nila ni Gabbi Garcia.

“Siyempre nakaka-sad pa rin sa part naming dalawa bilang magka-love team dahil for the past three years, kaming dalawa ang magkasama.

“Pero… siguro it’s time na rin para matuto rin kami kung paano namin iha-handle yung sarili namin bilang yung love team na GabRu.

“Pero ayokong  magsalita ng tapos, ayoko ring isipin na wala nang GabRu kasi I’m sure na darating yung araw na kami ulit.”

Paano kung hindi na dumating ang araw na iyon at mag-click siya sa ibang female star na ka-love team at mag-click si Gabbi sa ibang male star na ka-love team?

“Okey lang. Siguro mas mabuti pa rin na magkaibigan kami. Kami naman ni Gab hanggang ngayon talagang we’re very close.”  

 


SOBRANG LOVE. At hanggang ngayon naman daw ay magkasama sila as a love team sa Sunday PinaSaya na nagdiriwang ng ikalawang anibersaryo nito.

“Wala, kami sobrang close naming, sobrang love ko si Gab.

”Sobrang love ko, kung alam nyo lang po.”

Sobrang mahal pala niya si Gabbi, so ano ang hadlang at hindi sila nagkakaroon ng seryosong relasyon?

“Bata pa rin kasi si Gab, e. Kumbaga darating din po yung araw na kung kami talaga, kami talaga.

“Nothing happened, kumbaga ayoko lang ring i-push masyado yung sarili ko.

“Basta ako po, masaya po ako sa sarili ko kumbaga ever since naman natutunan ko kung paano ko i-handle yung sarili ko nang mag-isa.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s