Ilang artista ang pinataob ni Gil Cuerva sa audition ng ‘My Love From The Star’?

Ipinalabas na ang unang gabi ng My Love From The Star kahapon, May 29. Kasabay ng inaabangang GMA teleserye, ipinakilala na rin ang bagong GMA actor na si Gil Cuerva.
Sa panayam kay Gil noong press conference ng GMA Telebabad soap, ikinuwento niya ang mga isinakripisyo niya para sa show. Aniya, “Habang nasa Hong Kong ako, in-email ako to audition for My Love From The Star. Tapos I checked ‘yung audition dates, tapos nagkataon, sakto sa break ko kasi I was supposedly on a two-week break to fix my visa para sa Thailand. Magmo-model dapat ako sa Thailand.”
Dumaan daw sa series of audition si Gil at nagkaroon nga ito ng conflict sa schedule ng kanyang international modelling stint. “Umabot sa I had to choose whether to model for Thailand or to push through with auditioning for the show. Sabi ko, just give it one big try, one big fight. And I did audition for the show tapos nakuha ko,” saad niya.
Hindi raw talaga inaasahan ni Gil na makuha bilang leading man ni Jennylyn Mercado. “Siguro ‘yung first audition siguro nasa 20 [kami]. Tapos ‘yung iba [ay] talagang may mga experience, as in experienced actors na nakapag-workshop at lahat. Ako, first time talaga. Kahit man lang background wala po eh. Talagang bagong-bago po,” paliwanag niya.
Dahil aminadong baguhan sa showbiz, talagang seryoso raw si Gil sa pag-aaral sa pag-arte. “Sa acting, siyempre it’s completely new to me because everything is completely foreign. I’ll take the opportunity to learn and get better,” saad ng My Love From The Star actor.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s