READ: ‘Mulawin VS Ravena’ stars at netizens, bilib sa galing sa pag-arte ng Batang Anya

Ngayong unang linggo ng Mulawin VS Ravena, isa sa mga kapansin-pansin ay ang galing sa pag-arte ng gumaganap na Batang Anya na si Leanne Bautista.
Sa episode ng higanteng telefantasya kagabi, May 25, ipinamalas ng GMA Artist Center talent ang kanyang acting skills matapos mamatay ang kanyang amang si Rodrigo na binigyang buhay naman ni Tom Rodriguez.
Sa edad na six years old, talagang namangha ang mga manonood pati na ang co-stars ni Leanne. 
“Ang galing nung batang Anya,” pahayag ni Ms. Regine Velasquez-Alcasid na kabilang din sa Mulawin VS Ravena bilang si Sandawa.
Samantala, ang tumatayong ina ni Leanne sa GMA Telebabad soap na si Carla Abellana ay nagpahatid ng kanyang paghanga sa Kapuso child star.
“For someone so young, it’s surprising she already knows what she’s passionate about. And that is acting. It was such a joy working with her because she was always smiling and singing. I didn’t have a hard time at all working with her because she delivered so well in our scenes. Even our acting director, Yan Yuzon, loved assisting her on the set because it didn’t require much effort to make her get into character and really deliver,” saad ng gumaganap na Aviona sa mensaheng ipinadala niya sa GMANetwork.com.
Si Chynna Ortaleza naman, gusto niya raw maka-eksena si Leanne sa telefantasya. Aniya, “Super happy kami sa passion na pinakita ng little Anya natin. She’s 6 years old only! I hear that she really loves acting and it shows. I did not have any scenes with her but it would be nice to act alongside her in future projects. Congratulations little one! Keep the fire burning.”
Hindi lamang ang mga katrabaho ni Leanne ang pumupuri sa kanya dahil pati ang netizens, nagpo-post ng kanilang positive feedback dahil sa kanyang pag-arte.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s