Sanya Lopez, naiyak nang maalala kung paano siya pinasikat ng ‘Encantadia’

Isa sa fast rising Kapuso stars ang aktres na si Sanya Lopez. Nag-umpisa ang kanyang pagsikat nang masungkit niya ang iconic role ni Sang’gre Danaya sa telefantasya na Encantadia.
Matapos ang isang taong pamamayagpag ng Encantadia, muling inalala ni Sanya ang mga panahong kaunti pa lamang ang nakakakilala sa kanya. “Sobra pong [maraming nabago sa ‘kin]. Before kapag naglalakad ako sa mall, walang pumapansin sa ‘kin. Pero ngayon, kapag naglalakad ako, uy si Danaya ‘yon ah,” saad ng aktres.
Habang nagkukuwento, hindi napigilan ni Sanya na umiyak nang makita ang Executive Producer ng Kapuso show na si Winnie Reyes. “Before ako mag-start, naiiyak ako narito kasi si Tita Winnie. Alam kasi ni Tita Winnie kung saan ako nanggaling. Kapag nagfa-flashback sa ‘kin, nare-realize ko na napaka-blessed ko sa show na ‘to,” pahayag niya.
Labis ang naman daw ang lungkot na nararamdaman ni Sanya dahil magtatapos na ang Encantadia. “Nakaka-sad pero I’m sure naman na kung mawala naman po ‘yung Encantadia, may susunod pang magagandang shows. And I’m praying din po na sana mayroon din po akong show na parating,” pagtatapos niya.

Panoorin ang huling linggo ng Encantadia, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. Samantala, abangan ang paghahari sa himpapawid ng Mulawin VS Ravena, ngayong May 22 na!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s