‘Mulawin VS Ravena’ director Dominic Zapata, may buwelta sa mga nagsasabing walang maisip na bagong show ang GMA

Nagkaroon ng pagkakataon ang isa sa mga direktor ng Mulawin VS Ravena na si Dominic Zapata upang pabulaanan ang mga tsismis na wala na raw maisip na bagong show ang GMA kaya’t muling ibabalik ang iconic telefantasya ngayong taon.

“Bakit kami gumawa ng Mulawin ulit? First of all, it’s not a remake, it’s a sequel. Sasabihin nila, ah bakit hindi na kayo nakakaisip ng bagong show? Alam niyo sa totoo lang, mas madaling gumawa ng bagong show. Mas mahirap gumawa ng sequel na maghi-hit. Alam ‘yan sa pelikula, alam ‘yan sa TV. Mas mahirap gumawa ng sequel,” pahayag ni Direk Dominic sa press conference ng Mulawin VS Ravena kagabi, May 15.
Kahit mas mahirap daw gumawa ng sequel ay itinuloy pa rin nila ang Mulawin VS Ravena. Aniya, “Kung mayroong generation na gumawa ng Darna, ‘yung generation natin [ay] nakagawa tayo ng dalawa – Encantadia at Mulawin. Hindi dahil nagyayabang si Direk Don [Michael Perez], he really just has a story to tell.”
Dahil isa itong sequel, maraming pagbabago ang dapat asahan ng Kapuso viewers sa higanteng telefantasya. “The story of Mulawin VS Ravena, I think it’s called a classic and it continues to be timely,” pahayag niya.
Kung noon daw ay kontrabida na agad ang mga Ravena, mayroong mga mangyayari sa istorya ngayon na magbibigay ng bagong anggulo sa dalawang grupo ng mga taong ibon. Ayon pa kay Direk Dominic, napapanahon daw na ipalabas ngayong ang telefantasya.
“Today in our society, hindi natin alam kung okay pa ba ‘yung dati nating kilalang mabait, mabait pa ba ngayon? ‘Yung mga akala nating masama, masama pa rin ba sila? Don’t we give them opportunities to change? Don’t we give them a chance para magbago? That’s why I think the whole story is so timely,” bahagi niya.
Dagdag pa niya, “And I think there’s no other story that could have been written for Mulawin VS Ravena except coming from this angle kasi it’s so timely at galing sa puso ni Direk Don at malinaw ‘yon.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s