Dennis Trillo ipinagtanggol si Heart Evangelista sa mga nagsasabaing hindi deserving si Heart sa role na Alwina.

Sa announcement/launch ng magiging bagong cast ng Mulawin vs. Ravena noong March ay may mga bashers agad si Heart Evangelista na nagsasabing hindi ito bagay maging si Alwina.

Nag-trending pa nga that time ang pamba-bash kay Heart Evangelista.

Paano dinepensahan ni Dennis Trillo ang kanyang leading lady?

Sabi niya, “Well, siguro para sa akin, sana maintindihan ng mga tao, dahil siyempre si Angel, mahirap rin naman talaga siyang palitan.”

Si Angel Locsin ang gumanap na Alwina sa orihinal na Mulawin series thirteen years ago.

Depensa pa niya, “Siya ang original, pero sana maisip rin ng mga viewers na hindi pa nakakapanood kay Heart, sana bago nila pagsalitaan ng hindi maganda, tingnan muna nila kung ano yung puwedeng mai-offer ni Heart.

“Siyempre, mabibigla naman talaga siguro yung mga ibang tao na wala si Angel at si Heart ang ipinalit, pero sana tingnan muna nila kung… bago sila magsalita ng hindi maganda.

“Pero maganda talaga yung kuwento ng Mulawin vs. Ravena. Ang ganda, e.

“Una, parang medyo hesitant ako dahil fantasy ulit, tapos Mulawin

“Parang My Husband’s Lover, parang ayaw mo ng gawan ng kasunod dahil nag-hit na, e.

“Pero nung nabasa ko yung kuwento [ng Mulawin vs. Ravena], sabi ko, ‘Aba parang puwede pa! Meron pang ibubuga, marami pa.’

“Lalo na nung nakita ko yung cast.”

CAST. Ipapalabas na sa GMA-7 sa May 22 kapalit ng Encantadia, gaganap sa Mulawin vs. Ravena si Dennis bilang si Gabriel, at bukod sa kanila ni Heart ay nasa cast rin sina Miguel Tanfelix bilang si Pagaspas at ang ka-loveteam ni Miguel na si Bianca Umali ang bagong Lawiswis (na unang ginampanan ni Sam Bumatay) at Derrick Monasterio bilang si Almiro.

Si Carla Abellana ang bagong Aviona (na noon ay ginampanan ni Bianca King).

Bagong karakter naman sa naturang fantaserye si Regine Velasquez-Alcasid bilang si Sandawa, new character din ang gagampanan ni Lovi Poe bilang si Magindara at ang ka-loveteam ni Derrick na si Bea Binene ay si Anya, anak ni Aviona.

Si Kiko Estrada ang magiging ka love triangle ng DerBea bilang si Rafael, si Chynna Ortaleza si Rashana, ang asawa ni Gabriel at reyna ng Halconia.

Nasa cast rin si Winwyn Marquez bilang Ribay, Valerie Concepcion bilang Tuka, ina ni Lawiswis, Charee Pineda bilang Savana, Roi Vinzon bilang Daragit, Angelu de Leon bilang Lourdes (ginampanan dati ni Amy Austria), Bobby Andrews bilang Dionisio, TJ Trinidad bilang Greco, Dion Ignacio bilang Siklab, Joko Diaz bilang Antonio, David Licauco bilang Malik at si Ms. Nova Villa bilang Lola Elo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s