Boobay makakasama sa pagbabalik ng Celebrity Bluff

Inamin ni Boobay sa exclusive interview ng GMANetwork.com na hindi raw niya inakalang magiging bahagi pa siya ng pagbabalik ng Celebrity Bluff.
Aniya, “Syempre, very excited ako and thankful kasi hindi ko in-expect na makakasama pa rin ako sa pagbabalik ng Celebrity Bluff to be honest. Pero sobrang bait naman ng mga boss natin kasi kinonsider pa rin nila ako to be part ng pagbabalik ng Celebrity Bluff.”
Looking forward din daw ang komedyante na makatrabaho si Edu Manzano na ngayon lang din niya makakasama.
Sambit ni Boobay, “Estudyante pa lang ako napapanood ko na siya, at alam ko naman kung ano ‘yung kalibre niya as a host. So napakagaling at nakita ko habang nagpi-pictorial tayo ‘di ba, meron na silang rapport agad ni Ms. Eugene so mae-expect ng tao talaga na kakaibang Celebrity Bluff ang kanilang mapapanood ngayon.
Garantiya rin niya na sa pagbabalik ng kanilang programa ay ang pagbabalik din ng kulitan at kung ano-anong paandar niya.
Wika ni Boobay, “Ay naku, kung ano ‘yung na-miss niyo, dodoblehin pa namin ‘yan kasi talaga naman.. since binigyan kami ng another chance na alam mo ‘yun, makapagpasaya ng maraming tao at alam naming maraming naka-miss sa amin, talaga namang ibibigay pa rin namin kung ano ‘yung ine-expect nila.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s