Meant to Be magtataping sa Singapore.

MASAYA ang mga taga-Meant To Be dahil tuluy-tuloy pa rin ang taping nila at tuluy-tuloy pa ring mapapanood ang rom-com series hanggang June 23. 

Ang dapat na 13 weeks o one season airing ng show ay hanggang April 28 lang sana. Iniusog sa June 2 ang ending ng Meant To Be, pero dahil sa magandang rating at feedback ng viewers, aabot pa ang airing ng rom-com series hanggang June 23. 

Bago magtapos, ang dami pang mangyayari sa istorya ng serye. May mga papasok pang bagong karakter at may magbabalik na lalong magpapasaya sa kuwento.

Welcome kina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorscher, Addy Raj at Ken Chan (original cast) ang pagpasok ng mga bagong karakter at ang twist sa mga karakter na ginagampanan.

Gaya na lang sa karakter ni Ken na si Yuan Lee. Nakumpirma ng result ng DNA test na siya ang ama ng kambal na sina Luke at Leia, pero may twist daw ‘yun at abangan na lang kung anong twist ito.

Looking forward din sila sa taping nila sa Singapore lalo’t halos lahat sila ay hindi pa nakakarating doon. Natawa kami sa usapan nina Ken at Addy na isisingit nila sa taping ang pagpunta sa Universal Studios at ang pamamasyal.

Mapapanood din ang Meant To Be Boys sa isang episode ng Magpakailanman. In-interview na sina Ken, Ivan, Addy at Jak at i-schedule na ang taping. Magkakasya raw ang one hour para sa istorya ng apat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s