Jak Roberto admits “date” with Barbie Forteza

nang pagkakataon nga lang daw na nakalabas siya kasama si Barbie na silang dalawa lang.

“Nagkataon lang po.

“Monday yun, nagte-taping kami. Labor Day.

“Naisip ko kasi, ang tagal ko nang hindi nanonood ng mga movies,” pag-amin ni Jak nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ito ay sa taping ng Meant to Be, noong May 5, sa isang bar sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

MOVIE MARATHON. Pinanood daw nila ang Fate of the Furious, Guardians of the Galaxy, Vol. 2, at isa pang pelikula na hindi na binanggit.

Ayon pa kay Jak, “Ang tagal ko na pong hindi nanonood ng movie.

“So tinanong ko siya kung ano ang showing ngayon na napanood na niya. Sabi niya, Fast 8.

“Sabi ko, ‘Maganda ba? Kaya lang napanood mo na.’

”Sabi niya, ‘Sige, ulitin ko.’

“Kasi, maganda raw at gusto niyang ulitin.

“Sabi ko, ‘Game, panoorin natin bukas. May gagawin ka ba?

“Sabi niya, ‘Wala.’ And since yung tatlo may gagawin.”

Yung “tatlo” na tinutukoy ni Jak ay sina Addy Raj, Ivan Dorschner at Ken Chan, na panay leading men din ni Barbie sa Meant to Be.

Tinanong naman daw niya yung tatlo kung libre ang mga ito, pero pare-pareho raw may kanya-kanyang lakad.

Saad ni Jak, “Tinanong ko sila kung may gagawin sila kinabukasan.

“Sabi ni Ivan ganito, ganyan. Si Ken din daw may appointment ng after lunch.

“Si Addy rin, so wala nang chance.”

CHUMMY WITH BARBIE’S MOM. Silang dalawa na lang daw ni Barbie ang nanood at nag-marathon ng tatlong pelikula sa U.P. Town Center.

Kaya puwede nang sabihing pinagkakatiwalaan siya ng mga magulang ng Kapuso star.

Ayon kay Jak, “Supposedly magkakasama kami nina Tita, Tito.

“Kasi, nagkakasundo kami ni Tita Amy [Barbie’s mom] sa mga pets.

“May pet ako, tapos si Tita Amy, yung pusa nila.

“Madalas kaming magkausap sa Instagram, tuwing magkikita kami yun ang topic namin.

“Kasi, pinag-uusapan namin madalas yung pets namin.

“Tapos nung nandun na, sabi ni Tita, ‘Sige kayo na lang. Magsa-shower pa kami, magbibihis, matagal.’

“Kaya tinanong ko rin naman na, ‘Sure po kayo, Tita? Hindi na kayo sasama?’”

Si Barbie naman ang nagkuwento na ang talagang unang niyaya raw ni Jak ay ang mommy niya, at nagbiro itong nagsabi lang kung puwede siyang isama.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Mabilis na, “Hindi naman!” ang sagot ni Jak, nang diretsuhin namin na tila lumalamang siya sa kanilang apat naMeant to Be boys na in real-life.

Kasi sila pa lang yata ni Barbie ang nakakapag-“date” na dalawa lang.

“Hindi naman, pantay-pantay pa rin naman,” nakangiti niyang sabi.

Posible kayang maulit ang paglabas nilang dalawa lang?

“Sabi ko nga po, dadalas-dalasan na namin ang paglabas para magkatotoo na,” biro niya.

Masasabi ba nilang “date” talaga ang ginawa nila?

Paglilinaw ni Jak, “Date ba yun? Parang kaswal na labas lang.

“Pero parang ginagawa namin, kumakain, nanonood ng sine, pero para sa amin, kaswal lang kasi yun.

“Kaya nga pinost ko yung photo kasi wala namang malisya.”

Posible kayang nai-in-love na siya kay Barbie?

Natatawa niyang sagot, “Ang bilis naman po.

“Matagal na naman po kasi kaming magkakilala ni Barbie.”

Kinumusta namin si Jak kung hindi ba siya na-bash ng ibang fans ng Meant to Be dahil, kumbaga, bigla niyang “sinolo” si Barbie.

“Hindi, underdog kasi si Andoy, e.”

Andoy ang role ni Jak sa Meant to Be.

“Parang proud pa nga sila na hindi na ‘ko torpe.

“Kasi, naka-hashtag din sa post na hindi na siya torpe,” natatawang sabi niya.

“Wala naman pong nag-bash. Happy naman po sila.”

NEW CAST MEMBERS. Sa ibang banda, ngayong Linggo na ipakikilala ang apat na bagong boys ng Meant to Be, na ang tawag ay GAYA Boys.

Ito ay kinabibilangan nina Matthias Roads, Vince Vandorpe, Carl Cervantes at Dave Bornea.

May nararamdaman ba silang threat sa pagpasok ng apat?

“Hindi naman po.

“Actually, natutuwa nga po kami na may pumasok na mga bagong boys.

“Lalong makakadagdag ng viewers at marami pa pong mag-aabang kung ano ba ang papel ng bagong characters.

“So masaya po kami na may mga bago kaming katrabaho.

“Hindi naman po sila mahirap pakisamahan.

“Bukod sa mahirap lang silang kausap, puro English,” natatawang biro niya.

“Pero masaya po kami sa set, at excited po kaming ipalabas ang mga tine-tape po namin ngayon.

“Ang daming twist kaya maraming magugulat.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: