Aiai delas Alas, Best Actress sa ASEAN International Film Festival And Awards 2017

Sa ginanap na ASEAN International Film Festival And Awards o AIFFA, nag-uwi ng isang prestihiyosong parangal ang Kapuso star na si Aiai delas Alas.
Pinarangalan si Aiai ng Best Actress award para sa kanyang indie film na Area. Ang AIFFA ginanap sa Kuching, Sarawak, Malaysia nitong Sabado, May 6.
Ang AIFFA ay isang organisasyon na nagpapakilala ng iba’t-ibang ASEAN films sa International market at pinaparangalan ang husay ng screenwriters, filmmakers at artists. 
Dahil hindi nakarating Aiai sa awarding ceremony, ibinahagi niya ang kanyang speech sa kanyang Instagram account.
“Maraming maraming salamat po panginoon sa blessing na ito .. walang hanggang pasasalamat sa inyo aming hari at panginoon…(Mama Mary I love you thank you sa lahat ng bulong mo kay Lord). Thank you Asean International Awards for this award… no words can express my happiness and being so grateful for this prestigious award … maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa akin .. Ibinabahagi ko ang award na ito sa aming direktor Louie Ignacio, ang BG Productions, Ferdie, Dennis, at sa lahat ng bumubuo at cast na kasama ko sa ‘Area’…para sa aking mga anak na inspirasyon ko (Sancho Vito, Shaun Nicolo, Sophia Andrea, Seth Andrei) at sa aking future husband (Gerald) para din sa inyo ito .. malapit na ang Mother’s Day… and I want to dedicate this award to all the mothers sa buong mundo. Ito ay kwento [nating] mga ina … Mabuhay ang pelikulang Pilipino. To God be the glory forever.”
Bukod kay Aiai, ilan pang kasamahan niya sa industriya ang nakapag-uwi rin ng iba’t ibang parangal mula sa AIFFA.
Si Direk Louie Ignacio ay pinarangalang Best Director para sa pelikula ring, ‘Area.’
Pinarangalan naman na Best Supporting Actor at Actress naman sina Ricky Davao at Ana Capri. Samantala, nakakuha rin ng Best Film Editing si Lawrence Fajardo at Special Honour Award si Lav Diaz.
Dumalo rin sa awards ceremony ang mga batikang aktres na sina Jaclyn Jose, Nora Aunor at Cherie Gil, Marlo Mortel, Jason Dy at Benjamin Alves. Nagsilbing host ng gabi ng parangal sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez.
Congratulations!
©GMA Network

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s