Jennylyn on My Love From The Star: “Kung iku-compare man nila, sana in a positive way.”

Ayon kay Jennylyn Mercado ang My Live from the Star ang pinakamahirap niyang role teleserye.

“Ngayon lang ako gagawa ng medyo light na show, ibang genre naman,” sabi niya.

Ang kaso, complicated ang karakter niya rito, “Kahit sabihin kong masaya ko, yung loob niya, umiiyak.

“So very challenging siya para sa akin.”

May pressure din daw kay Jennylyn na isang matagumpay na Koreanovela ang My Love From The Star at marami na ang nag-aabang sa Pinoy adaptation nito.

Paliwanag niya, “Kasi gusto naming ma-meet ang expectation ng mga tao.

“Sana kapag umere, matuwa sila. Sana maka-relate sila.

“Sana hindi nila ma-compare… well, kung iku-compare man nila, sana in a positive way.”

Kinakabahan siyang makumpara sa Korean actress na si Jun Ji-hyun?

“Oo! Sobra! Kasi napakagaling nung original artist,” saad niya.

Noong Holy Week ay nasa South Korea si Jennylyn kasama ang anak na si Jazz at ang boyfriend niya na si Dennis Trillo.

May kuha siyang katabi ang larawan ni Jun Ji-hyun sa isang bus.

“Oo nga! Dun sa bus! Hinabol ko pa talaga yung bus, nakakatawa!” masayang kuwento pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa taping ng Everyday Sarap with CDOSeason 2, sa Casa Milan, Fairview, noong Sabado, April 22.

Magsisimula na itong ipalabas sa GMA News TV ngayong May 1.

Gustuhin man daw ni Jennylyn na magluto ng sarili niyang recipe sa show, ipinauubaya na raw niya ito sa mga chefs ng CDO.

Natawang sabi niya, “E, mas marunong sila, mas magaling yung mga ina-add nilang ideas, inputs nila.

“Lalo na at chefs ang gumagawa ng recipes.”

Kahit daw sa bahay ay hindi na rin siya nakakapagluto at nakakapag-bake.

“Wala nang oras, e,” saad niya, “siyempre, nami-miss ko.

“Kapag may oras, nagluluto, pero bihirang-bihira lang talagaa”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: