Bakit nga ba wala pang bagong teleserye si Kristine Hermosa?

Malaking tanong sa libo-libong fans ni Kristine Hermosa kung gagawa ba muli ang magaling na aktres ng teleserye.

 

Sumagot na ang aktres kasama ang kanyang asawang  si Oyo Sotto at ito ay sa one-on-one interview ng GMANetwork.com nang makapanayam ang showbiz power couple sa taping nila ng Hay, Bahay! sa Sucat, Parañaque last April 6.

Ibinahagi ni Oyo ang main reason kung bakit nahihirapan magdesisyon si Kristine na gumawa muli ng isang soap.

Kuwento ni Oyo, “Actually sabi ko naman sa kaniya, ‘Hon okay lang,’. Ang akala kasi ng tao pinipigilan ko siya. Sabi ko, ‘okay lang, hayaan mo na sila kung ano gusto nilang isipin.’ Kumbaga you cannot please everyone. Pero sabi ko nga kasi, ‘kung gusto mo talaga okay lang ako,’ kasi sabi ko ‘I can stay at home ‘pag wala ka, hindi naman nagsasabay ‘yung work natin.’”

Dagdag niya, “Si Tin naman, ‘yan ‘yun din ‘yung iniisip niya. Sabi niya ‘tanggapin ko na lang kaya ito para at least para sa mga fans matuwa.’ Kaya lang ‘pag napi-present sa kaniya, ayaw niya na kasi nung sobrang mga heavy drama.”

Dugtong in Oyo, “Tapos ‘pag na-iisip niya ‘yung long hours of working dun ‘yung nabi-break ‘yung heart niya.”

Aminado din si Kristine na mahirap na para sa kaniya gumawa ng isang teleserye lalo na at may pamilya na siya.

Paliwanag din ng misis ni Oyo na mas nae-excite siya magkaroon ng sitcom ngayon tulad ng Hay,Bahay! dahil miss niyang gumawa ng ganitong klaseng project na light lang at hindi tulad ng isang soap na heavy ang mga eksena. 

Ayon kay Kristine, “When we started with this show sobrang excited ako to do it… na-miss kong gumawa ng sitcom. It’s been so long na walang sitcom sa dati kong network and I’ve been doing drama all of my life.”

“I mean I love doing that, don’t get me wrong, pero dumating ka sa point na, of course ‘pag may pamilya ka na, may kids ka na, it’s hard to juggle everything. Of course, siguro in the future I’ll do that pero depende sa schedule na lang,” pagtatapos ni Kristine.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s