Ano ang reaksyon ni Julie Anne San Jose sa pagkukumpara sa kanya kay Sarah Geronimo.

Nanalo si Julie Anne San Jose ng Silver Global Sound (o 2nd place) sa 2017 International Song Contest: The Global Sound para sa original composition niya na “Tidal Wave.”


Kinalaban ng Asia’s Pop Sweetheart ang iba pang international artists tulad nina Lukas Graham, South Korean ballad duo Davichi, at ang Singaporean singer/songwriter na si JJ Lin kasama ang Hongkong-based singer/songwriter na si G.E.M.

“Actually nung nakita ko po yun, kasi tini-tweet din po ako ng mga ibang mga fans, yung mga ibang supporters po, hindi ko po alam nung una kung ano yun and then parang sinabi nila na iyon nga po na International Global Sound.

“And then yung song ko po daw yung parang nagre-represent sa Philippines.

“So I just feel really blessed na nabigyan po ng recognition yung song ko, saka it’s also nice na may na-contribute na naman po ang mga Pilipino sa music.

“Kaya sobrang thankful po ako.”

Si Sarah Geronimo ang unang Pilipino na nanalo ng award mula sa nabanggit na music competition noong 2015.

Ani Julie Anne, “Nakaka-proud nga kasi I think siya yung first ever na Pilipino na nanalo.

“Kaya it’s good po na may contribution na naman ang Philippines pagdating sa music industry”.



Banggit namin kay Julie Anne ay siya naman ang Sarah Geronimo ng GMA-7.

“Naku! Si Miss Sarah ay si Miss Sarah.”

Samantala, lahat ng kasama niya sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa ay mami-miss ni Julie Anne; nag-last taping day sila noong Huwebes, April 6, sa Ka Tunying’s Cafe sa Quezon City.

“Kasi hindi lang po trabaho talaga yung iniiisip namin dito, kumbaga isa po kami talagang pamilya dito. Marami pong ups and downs, and you know, despite of everything, sobra-sobrang naging matatag na matag po kami.

“May viber group kami, naggu-group chat, ‘Tara labas tayo after the show.’ Ganun po.”

Ikinatuwa naman ni Julie Anne na buhay pala ang karakter ni Benjamin Alves bilang si Ephraim na love interest ng karakter ni Julie Anne na si Santina.

Sa twist kasi ng kuwento ay inakalang namatay si Ephraim pagsabog ng kotse nito.

Hindi raw alam ni Julie na buhay pala ang karakter ni Benjamin.
“Depende po kasi iyon sa production and the writers kung paano nila bibigyan ng twist ang story.”

Ikinatuwa niya na hindi pinatay si Benjamin sa show at kasali pa rin ito hanggang sa finale episode nila this Wednesday, April 12.

“Kasi siyempre lahat naman ng tao ayaw na mawalan ng minamahal, di ba?

“So yung sa karakter ni Santina, sobrang hirap sa part niya kasi siyempre ang dami nilang pinagdaanan ni Ephraim.

“Iyon nakakagulat din sa part ng lahat especially sa family niya and also sa mga viewers din. So iyon yung twist talaga.”

Nilinaw naman ni Julie Anne ang tungkol sa intrigang mababa ang ratings nila kaya tinapos agad ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

“Ay hindi po! Hindi po talaga. And we’re really blessed po kasi, na nabuo namin yung season and we’re getting good ratings, we’re getting good feedback.

“It’s just good na we’re very into our characters, that’s how we love our characters.

“Sobrang minahal namin yung mga characters namin tsaka iyon po talaga yung maganda sa amin, kasi kapag po di ba sobrang mahal mo yung show and at the same time parang you’re having a good rapport with your co-actors, you treat each other as family.

“Dun po kami mas lalong ginaganahan especially pagka may nakikita po kaming mga magagandang mga tweets, tapos nagte-trend kami.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: